Sabado, Abril 20, 2013

ANJANETTE ABAYARI & BANGS GARCIA

pizap.com13665254462133Hindi man aaminin ni KULIMLIM, adik na siya sa afternoon tv soap.  Hindi na siya mapalagay kung tigok ang tvam pag mag-aalas tres na!  So lately, nakikiwatch na rin ako sa kanyang latest favorite na ‘MAGKANO ANG IYONG DANGAL’ ng dos.  Aba, impressive ang akting lalo na nang masino ko ang direktedbay… no less, Chito Roño? Avah, vonggey!  So heto na at lumaki na ang lead star. . . tinitigan ko siya sabay mulaga’t : ANJANETTE?  Yey, nakita ko si Anjanette Abayari (Darna noong 90s) sa katauhan ng fresh star of the moment na si BANGS GARCIA.  Ang facial structure nila ay pareho, ganun din ang lip formation although mas pouted ang kay Bangs.  Nakaka-inggit ang pagkakahawig ng kanilang skin tone at body contour!  Parang , hello? Marlyn Monroe , ikaw – ba - yan - brown - version?  Habang nanonood ka lalo mo talagang maalala ang kariktang minsan ay bumihag kay Gabby C. na ngayon raw ay napariwara sa Guam.  Kumustahin na nga natin si Anjanette, pero para ano pa?  BANGS IS HERE WITH A BANG!

HILDA KORONEL & DESIREE DEL VALLE

pizap.com13665251549942Hayyyy, here i am again… sunday kasi kaya muni-muni day at syempre ‘SAB(separated@birth) day!  For the longest time, lagi ko nang nasambit sa self at sa close friends ko ang pagkahawig ng dalawang magagandang artistang ito na mula magkaibang panahon ng showbis. 70s ang una at 90s naman ang huli… si HILDA KORONEL at DESIREE DEL VALLE.  of course , si hilda ay isang drama icon at si desiree naman ay masikap ring gumagawa ng kanyang sariling sulok sa mundo ng pakapalan ng mukha at kaplastikan.  Pagkakahawig points:  similar ang eye structures nila, facial contour, pati nose at lips ay di rin nagkakalayo… prominent nga lang masyado ang nunal ni des kaya minsan pag nakita mo siya maalala mo si lorna t.  pero in totality, puede silang pumasang mag-ina!

JOHN LLOYD CRUZ & JM RODRIGUEZ

pizap.com13665250095391GOSH.  Sunday na naman! what else to do but snoop around for two or more faces who are likely to satisfy KULIMLIM’s thirst for SAB!  Well, what do we have here but two faces; one not so famous and one really BIG out there!  We’re talkin’ about JM RODRIGUEZ, often seen in events hosting a segment and for sometime co-host of the ‘other’ morning show ONE MORNING on NBN/RPN/IBC (yes, super OA ang show na yan at simulcast sa tatlong govt ran networks: UPDATE; DEFUNCT NA ANG SHOW); ewan kung may nakapapansing HAWIG siya kay LLOYDIE (palayaw ni John Lloyd)… sa hugis ng mukha… hilatsada ng mata, ilong at labi ; muntik-muntikan na nga silang maging identical pero hindi dahil mas DEFINED ang features ni Lloydie, kumbaga perfect ang pagkakaukit ng mga sulok at dulo ng kanyang maamong fakraz, di tulad ng kay JM na nagmimistulang PIRATED version la’ang.  Ganyan kataray si Kulimlim sa kanyang paghalintulad ng mga nafefeature dito sa SAB.  Kayo na lang ang humusga.  ENJOY YOUR SUNDAY FAMILY BONDING , MGA PALANG-GING-GINGS!

Biyernes, Abril 19, 2013

LOVI POE & MICHELLE ALDANA

pizap.com13664322199253Since it is another lazy Sunday afternoon, channel switching ang drama para lang wag ma-bore.  Then, sa Viva channel may natisuran akong eksena ng isang lumang movie.  Nalowkah ako slight dahil akala ko ang aking nabungaran ay si LOVI POE! Eh, hindi pala … siya yong naging Mutya ng Pilipinas 1993 na si MICHELLE ALDANA.  Maghawig sila in the sense na parehong heart-shaped ang kanilang mga face at ganun rin ang pagkakaukit ng kanilang features.  Mas ‘detailed’ nga lang ang dating ni Lovi dahil pronounced masyado ang kanyang features , whereas ang kay Michelle ay subdued naman ang lines.  Pero kung pagtapuin sila at the same age , puede silang twins… at kung pahintulutan nyong magfantasya si Ako… triplets kami!

DANG CRUZ & MIKEE COJUANGCO

pizap.com13664256007182Malakas ang pagkakahawig nina MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI at DANG CRUZ.  Halos iisang template ang pinanggagalingan ng hugis ng kanilang mga mukha at maliban sa pagkunot ng upper facial part ni Dang tuwing siya ay ngingiti o tatawa na siyang trademark niya bilang isang komedyana, masasabi mo talagang para silang kambal! But then dahil sa poise at grace ni Mikee and obviously na hindi na pagkakaabalahan pa ni Dang nagkakaroon tuloy ng demarkation line ang kanilang similarities.  Nagkataon nga lang na mas mature ang itsura ni Dang… but then, I’m sure never siyang mapagkakamalan ni Dudut na jowa niya ito!

Martes, Abril 16, 2013

GELLI DE BELEN & IWA MOTO

pizap.com13660994534832Actually (tama bang start ng sentence ang ‘actually’? hihihi) , halos kambal ang timbre ng boses ng dalawang itech.  Pati tipo ng pananalita na yon bang parang ‘no-nonesense’ kung makabanat at laging bottomline ang tinutumbok.  But then, kung pagmamasdan ang kanilang features, mapapansing si IWA MOTO ang chinitang GELLI DE BELEN!  Ang katarayan facial lines nila ay tunay namang almost identical (labi, hugis ng mukha, ilong at kilay).  Pati kaseksihan ni Iwa namana niya kay Gelli!  Perfect formula for fame si Iwa dahil kahit hindi man matukoy ng fans kung sino ang kamukha niya, feeling nila sanay na sila sa itsura nito.

ERWIN TULFO & JIGGY MANICAD

pizap.com13660993809951Dahil nga at minsan pa ay laganap na naman ang karakas ni Erwin Tulfo sa telebisyon , hindi ko mapigilang mapansin na meron siyang kamukha.  Syempre may hawig siya sa kanyang mga kapatid na sina Ben, Raffy at Mon; pero kapansin-pansin ang iisa nilang dating ni Jiggy Manicad ng GMA News.  Kung duda kayo catch their shows, si Jiggy sa Reporter’s Notebook at si Erwin sa Sapul at Tutok Tulfo, at sabihin nyo sa akin kung sino ang mas gwapo! (kung papayag si Erwin!)