Sa panimula pa lang ng AMERICAN IDOL 2012 (Season11), kinailangan kong magkaroon ng kindred spirit na makasabayang tutukan ang nasabing show. Singer din kasi ako at kahit na nga sa limited audience lang ako nagkicater , masasabi kong matalas ang aking teynga sa pagsasapul ng nota lalo na ng mga sumasali sa competition. Kailangan kasing aware lagi ang isang mang-aawit (hobbyist man o professional) na tumbukin lagi ang ‘do’ ng tamang ‘do’ at hindi ng isang pekeng ‘do’ (nag-explain talaga? Choz). Eneho, buti na lang at natuklasan ko na ang aking recently-found soulsistah na si Irma Dimaranan ay isa ring tutukera ng AI nagkasundo kaming sa aming nocturnal long phone calls ay main topic ang mga performances sa nasabing syndicated singing competition. We are so excited na isang half-Pilipino ang mukhang nakamesmerize kina Jennifer, Randy at Steven (korek, on first name basis naming sila!). Nagkaisa kami na ibang klase ang dating ni JESSICA SANCHEZ! It seems na ginagawang ‘paghinga’ lang nito ang pagkanta dahil mistula siyang ibon na nakagigiliw pakinggan. May disiplina siya sa kanyang boses at kamadong-kamado na ang bawa’t saglit ng kanyang pagbirit. Minsan, Sey ni Ms. Irma na may hawig si Jessica sa isang sikat na singer (am sure she was just making pakyut to make me hula) raw. Sey ko, ‘Huh? Dawho?’ … si SARAH GERONIMO? At first, parang hindi ako sumang-ayon sa kanyang obserbasyon dahil parang hindi naman. But then, upon close scrutiny mapapansing magkahugis ang face nila! Pati kilay at optical areas. Ewan ko lang sa teynga dahil malaki sa pangkaraniwan ang ears ni Sarah. May sungki pa si Jessica, while Sarah’s dentures is almost perfect. I guess its their charm that pegs them in. Pareho nilang taglay ang yumi ng isangPilipina . Swak din ang pagkakaroon nila ng di matawarang ‘lungs’ na naghatid sa kanila sa fame and soon, sa glory! Sa glory? Choz.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento