Sabado, Abril 20, 2013

ANJANETTE ABAYARI & BANGS GARCIA

pizap.com13665254462133Hindi man aaminin ni KULIMLIM, adik na siya sa afternoon tv soap.  Hindi na siya mapalagay kung tigok ang tvam pag mag-aalas tres na!  So lately, nakikiwatch na rin ako sa kanyang latest favorite na ‘MAGKANO ANG IYONG DANGAL’ ng dos.  Aba, impressive ang akting lalo na nang masino ko ang direktedbay… no less, Chito Roño? Avah, vonggey!  So heto na at lumaki na ang lead star. . . tinitigan ko siya sabay mulaga’t : ANJANETTE?  Yey, nakita ko si Anjanette Abayari (Darna noong 90s) sa katauhan ng fresh star of the moment na si BANGS GARCIA.  Ang facial structure nila ay pareho, ganun din ang lip formation although mas pouted ang kay Bangs.  Nakaka-inggit ang pagkakahawig ng kanilang skin tone at body contour!  Parang , hello? Marlyn Monroe , ikaw – ba - yan - brown - version?  Habang nanonood ka lalo mo talagang maalala ang kariktang minsan ay bumihag kay Gabby C. na ngayon raw ay napariwara sa Guam.  Kumustahin na nga natin si Anjanette, pero para ano pa?  BANGS IS HERE WITH A BANG!

HILDA KORONEL & DESIREE DEL VALLE

pizap.com13665251549942Hayyyy, here i am again… sunday kasi kaya muni-muni day at syempre ‘SAB(separated@birth) day!  For the longest time, lagi ko nang nasambit sa self at sa close friends ko ang pagkahawig ng dalawang magagandang artistang ito na mula magkaibang panahon ng showbis. 70s ang una at 90s naman ang huli… si HILDA KORONEL at DESIREE DEL VALLE.  of course , si hilda ay isang drama icon at si desiree naman ay masikap ring gumagawa ng kanyang sariling sulok sa mundo ng pakapalan ng mukha at kaplastikan.  Pagkakahawig points:  similar ang eye structures nila, facial contour, pati nose at lips ay di rin nagkakalayo… prominent nga lang masyado ang nunal ni des kaya minsan pag nakita mo siya maalala mo si lorna t.  pero in totality, puede silang pumasang mag-ina!

JOHN LLOYD CRUZ & JM RODRIGUEZ

pizap.com13665250095391GOSH.  Sunday na naman! what else to do but snoop around for two or more faces who are likely to satisfy KULIMLIM’s thirst for SAB!  Well, what do we have here but two faces; one not so famous and one really BIG out there!  We’re talkin’ about JM RODRIGUEZ, often seen in events hosting a segment and for sometime co-host of the ‘other’ morning show ONE MORNING on NBN/RPN/IBC (yes, super OA ang show na yan at simulcast sa tatlong govt ran networks: UPDATE; DEFUNCT NA ANG SHOW); ewan kung may nakapapansing HAWIG siya kay LLOYDIE (palayaw ni John Lloyd)… sa hugis ng mukha… hilatsada ng mata, ilong at labi ; muntik-muntikan na nga silang maging identical pero hindi dahil mas DEFINED ang features ni Lloydie, kumbaga perfect ang pagkakaukit ng mga sulok at dulo ng kanyang maamong fakraz, di tulad ng kay JM na nagmimistulang PIRATED version la’ang.  Ganyan kataray si Kulimlim sa kanyang paghalintulad ng mga nafefeature dito sa SAB.  Kayo na lang ang humusga.  ENJOY YOUR SUNDAY FAMILY BONDING , MGA PALANG-GING-GINGS!

Biyernes, Abril 19, 2013

LOVI POE & MICHELLE ALDANA

pizap.com13664322199253Since it is another lazy Sunday afternoon, channel switching ang drama para lang wag ma-bore.  Then, sa Viva channel may natisuran akong eksena ng isang lumang movie.  Nalowkah ako slight dahil akala ko ang aking nabungaran ay si LOVI POE! Eh, hindi pala … siya yong naging Mutya ng Pilipinas 1993 na si MICHELLE ALDANA.  Maghawig sila in the sense na parehong heart-shaped ang kanilang mga face at ganun rin ang pagkakaukit ng kanilang features.  Mas ‘detailed’ nga lang ang dating ni Lovi dahil pronounced masyado ang kanyang features , whereas ang kay Michelle ay subdued naman ang lines.  Pero kung pagtapuin sila at the same age , puede silang twins… at kung pahintulutan nyong magfantasya si Ako… triplets kami!

DANG CRUZ & MIKEE COJUANGCO

pizap.com13664256007182Malakas ang pagkakahawig nina MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI at DANG CRUZ.  Halos iisang template ang pinanggagalingan ng hugis ng kanilang mga mukha at maliban sa pagkunot ng upper facial part ni Dang tuwing siya ay ngingiti o tatawa na siyang trademark niya bilang isang komedyana, masasabi mo talagang para silang kambal! But then dahil sa poise at grace ni Mikee and obviously na hindi na pagkakaabalahan pa ni Dang nagkakaroon tuloy ng demarkation line ang kanilang similarities.  Nagkataon nga lang na mas mature ang itsura ni Dang… but then, I’m sure never siyang mapagkakamalan ni Dudut na jowa niya ito!

Martes, Abril 16, 2013

GELLI DE BELEN & IWA MOTO

pizap.com13660994534832Actually (tama bang start ng sentence ang ‘actually’? hihihi) , halos kambal ang timbre ng boses ng dalawang itech.  Pati tipo ng pananalita na yon bang parang ‘no-nonesense’ kung makabanat at laging bottomline ang tinutumbok.  But then, kung pagmamasdan ang kanilang features, mapapansing si IWA MOTO ang chinitang GELLI DE BELEN!  Ang katarayan facial lines nila ay tunay namang almost identical (labi, hugis ng mukha, ilong at kilay).  Pati kaseksihan ni Iwa namana niya kay Gelli!  Perfect formula for fame si Iwa dahil kahit hindi man matukoy ng fans kung sino ang kamukha niya, feeling nila sanay na sila sa itsura nito.

ERWIN TULFO & JIGGY MANICAD

pizap.com13660993809951Dahil nga at minsan pa ay laganap na naman ang karakas ni Erwin Tulfo sa telebisyon , hindi ko mapigilang mapansin na meron siyang kamukha.  Syempre may hawig siya sa kanyang mga kapatid na sina Ben, Raffy at Mon; pero kapansin-pansin ang iisa nilang dating ni Jiggy Manicad ng GMA News.  Kung duda kayo catch their shows, si Jiggy sa Reporter’s Notebook at si Erwin sa Sapul at Tutok Tulfo, at sabihin nyo sa akin kung sino ang mas gwapo! (kung papayag si Erwin!)

EDGAR ALLAN DE GUZMAN & JIRO MANIO

pizap.com13655103312732Pangkiliti lang after the election fever… dalawang kyutipayeyeng kalalakihan na sumikat sa kalangit-langitang palara nating mga gulibol na lahi!  Si JIRO MANIO, dating child star at kasalukuyang di mahagilap matapos na chugihin sa isang teleserye sa dos dahil raw sa unprofessionalism, na ngayon raw ay superpahads na sa mababang halaga kasi naman raw eh jutayfri ang kanotahan. Si EDGAR ALLAN DE GUZMAN naman naging MR. POGI sa EATBULAGA, at malimit na lang na pansahog sa mga panoorin sa syete at singko ngayon.  Hawig sila ng CHARM.  Chinito pareho at ang sarap i-baby… pareho ring simpatiko ang ngiti at hindi rin malayong mapagkamalang magkapatid o kambal?

Martes, Abril 9, 2013

MARIAN RIVERA & ANTOINETTE TAUS

pizap.com13655101677261
Ngeh? Habang nagba-browse ang virginal beauty ko sa mga lumang magazine at nasulyapan ang isang larawang medyo kupas na bigla kong naisip na ang tindi pala ng hawig ng dalawang babaeng may kaugnayan kay Dingdong Dantes!  Si ANTOINETTE TAUS , ang sinasabing childhood sweetheart ni Dong at si MARIAN RIVERA ay kapwa pareho ang hugis ng fez at lalo’t higit na identical ang silhoutte nila.  Mas chinita nga lang ng two days si Toni, pero kung tutuusin, maari mong isiping iisa ang hulmahan nila.  Kaya naman pala na-attract agad si Dong kay Yan-yan dahil malamang ay nakita niya ang dating syota sa kanya.

Linggo, Abril 7, 2013

COCO MARTIN & LEANDRO BALDEMOR


pizap.com13653990257841

MAG-AMA?  Well, sobrang hawig nga naman silang dalawa at mapagkakamalan mong magkamag-anak.  Si LEANDRO BALDEMOR ay naghari-harian din sa larangan ng mga ST FILMS ng SEIKO FILMS noong dekada 90, samantalang si COCO MARTIN naman ay unang nakilala sa mga BOLD INDIE FILMS hanggang sa maging isang magaling at pinakasikat na aktor ng ating panahon ngayon.

IRENE MARCOS-ARANETA & BALLSY AQUINO-CRUZ

Hindi man sila mga artista, nakasampay ang kanilang mga mukha at pangalan sa ngala-ngala ng mga Pinoy.  Kapwa nagmula sa dalawang pinakamatinding angkan sa pulitika.  Hindi ko lang maiwasang mapansin ang labis nilang pagkakahawig , kumbaga ay ‘uncanny’ ang likeness nina IRENE MARCOS-ARANETA at MARIA ELENA ‘ BALLSY’ AQUINO-CRUZ.  Although masasabing mas maganda si Irene, mas charming naman si Ballsy; na ngayon ay lantad na lantad na sa publiko dahil nasa poder muli ang kanilang apelyido.

ALYSSA ALANO & INA FELEO


INA FELEO
ALYSSA ALANO
Pareho silang refreshing, although mas exposed si Alyssa Alano dahil sa kanyang lingguhang exposure sa STARTALK, pero itinuturing namang the next DRAMATIC ACTRESS si Ina Feleo.  Si Ina ay isang showbiz ‘royalty’ dahil sikat at mga batikang artista/direktor ang kanyang mga magulang na sina Johnny Delgado at Laurice Guillen.  Si Alyssa ay half-Australian naman.  Marahil masyadong hawig ang kanilang mga mata kung kaya masasabi mong halos magkamukha sila.  Pati sa buhok at pag nakatalikod sila hindi mo agad matutukoy kung sino ay sino.  Sweet ang dating nila at malamang sa malao’t madali magsasama sila sa isang frame ay lalo nating mapansin ang kanilang kakatuwang pagkakahawig!

GERALD ANDERSON & RICHARD GUTIERREZ

Akala ko may krimen na namang naganap sa aming dating matulaing Los Baños, Laguna nang nagtitiling bumaba sa kanyang three-wheel limousine si Chiririt Misomiso sa aking gate.  Nakakarindi ang haging ng kanyang matinis na  “Mudrix! Mudrix!” habang papasok sa bahay na akala mo ay may nakatarak na punyal sa kanyang pwet! Yaon pala may bago na naman siyang ichuchuchumanayichumaceda sa ALIWAN AVENUE! Isang bagay na di ko agad masakyan pero nang mangako siyang iroroot treatment niya ang herlalets ketch, napagpasyahan ko na pagbigyan na lang ang syukels. “Mudrix! Iseparated@Birth mo sina Richard Gucha-ayrez at Gerald Anderson!!!” Napa-wha? I repeat , napa-wha ako and I want to put it on record that I said ‘wha’, two times dahil di ko agad mawari kung nasaan ang conglomerating balance of similarity ng dalawang actor.  Sey ni Chiririt na hawig raw ang kapal ng kilay nila!  Kilay lang S@B na? Hindi lang raw yan ang composite silhouette nila ay halos eksaktong matching; pati na raw tubo ng balbas at porma ng kanilang mga mata!  Avaaah! At korek nga namang meron silang pagkakahawig! Pati lips nila ay parang kambalinajoey rin! Eh sey ko, bakit hindi agad napapansin ‘yan at face value at kailangan pang close scrutiny para masabi ngang magka-peg sila? Isa lang ang napagsunduan namin … malakas ang inner appeal ni GERALD, samantalang si Richard ay so-so lang at walang mabigat na aura para masabing total package siya. Panghuling salita ni Chiririt : “Kung Batungbakal ang apelyido ni Richard, malamang na hanggang sa halahan sa plaza lang ang mararating niya!” Choz!!!!

Biyernes, Abril 5, 2013

PIA GUANIO & STEPH HENARES


PIA GUANIO
STEPH HENARES
Parang batang Pia si Steph.  Si Steph Henares ay isang sumisibol na vj at host ng XLife sa Qtv; samantalang sikat na sikat na si Pia Guanio hindi lamang bilang host kundi dating girlfriend ni Vic Sotto.  Syempre, superfresh looking ang younger version ni Pia; pareho ang hugis ng fez nila at deep-seated eyes.  Actually, bata pa rin naman si Pia pero dahil nga naging syota siya ng isang matandang lalake, natural na ma-absorb niya ang ‘mature’ outlook nito; seguro naman this time ay muling manumbalik ang freshness ni Pia!

LANI MISALUCHA & VENUS RAJ

Parehong pride of the Philippines sina LANI MISALUCHA at VENUS RAJ.Si Venus ay runner-up sa MISS UNIVERSE 2010 sa Las Vegas.  Which incidentally ay ang mismong lungsod-aliwan kung saan todo-todong umani ng tagumpay bilang singer si Lani.  Hawig sila  sa ilang anggulo at hugis ng mukha, although medyo may mga rinetoke kay Lani, masasabi nating iisa lang ang template nila.  Meron rin kayang  Indian blood si Lani? Baka, parang.  Anyway, goodluck kay Venus, at welcome home kay Lani!

KEAN CIPRIANO & JAY PERILLO


KEAN CIPRIANO
JAY PERILLO
Actually, anggulo lang ang labanan dito. Merong angles si Kean Cipriano na very Jay Perillo and vice versa.  Cute sila pareho pati sa sizing department. Perky din ang dating nila at youthful.  Nakakagigil din sila pareho kapag nagpeperform dahil sobrang sumisingaw as in oozing ang kanilang sex appeal. May yabang ang dating pareho but that's just what makes them more interesting.  I don’t mind having them both for dinner. For dinner? Choz!!!
Jay Perillo’s photo courtesy : KitSherwinCruz Photography

DR. VICKI BELO & BABY BISAYA

Their similarity can be considered uncanny; you will never even try to compare them since they totally seem to come from the same mold.  Although  Vicki Belo is way much older than her “twin sister” Baby Bisaya (host of DEFUNCT  WilTimeBigtime on TV5), she can still come at par in the charm department; syempre dahil super rica si duktura at upstart pa lamang si Baby Bisaya.  Of course, Vicki is well-bred and a globally known ‘beauty’ doctor while Baby is thick with her southern accent and obviously is grassrooty in all aspects. If you agree, botox me! Chozzz.

BIANCA KING & RAMONA REVILLA


RAMONA REVILLA
Well, its so hirap talaga to maintain this feature.  I’m already kandaduling looking at faces of stars of the now generation and of the yesteryears.  I just make tiyaga lang talaga to find some similarities then I attack! Choz. Well, for the moment I have found two stars from different times who have some similarities.  Elongated faces is a big check, fairness of skin… strong facial command and perhaps also the twink in their eyes.  Ladies, gentlemen and other creatures may I present RAMONA REVILLA and BIANCA KING.  Of course, sikat si Bianca especially now that she finally is lead star of a teleserye and those who are not familiar with Ramona, well, she was named so as to spoof one of the hottest action stars during her time but then she starred in several movies in the 90s that made her stand on her ground and became popular.

SAM PINTO & ZAIDA DIOLA

Sobrang pagkakahawig ng dalawang dilag na ito.  Napakalapit ng mga detalye ng kanilang features ; mula sa mata, labi at hugis ng mukha.  Pati kaseksihan ay di rin sila nagkakalayo.  Puede ngang sabihing kambal sila.  Si EB Babe Zaida ay dating  na napapanood tuwing tanghali sa EatBulaga ( ngayon ay nasa TV5 na) at Si Sam Pinto naman angFHM‘s Sexiest 2011.  Hindi ko talaga nilagyan ng caption kung sino si sino, kayo nang bahalang mag-identify! (Actually napansin din ito ni Joey de Leon)

SARAH GERONIMO & JESSICA SANCHEZ


Jessica Sanchez & Sarah Geronimo : MagkaPEG?
Sa panimula pa lang ng AMERICAN IDOL 2012 (Season11), kinailangan kong magkaroon ng kindred spirit na makasabayang tutukan ang nasabing show. Singer din kasi ako at kahit na nga sa limited audience lang ako nagkicater , masasabi kong matalas ang aking teynga sa pagsasapul ng nota lalo na ng mga sumasali sa competition.  Kailangan kasing aware lagi ang isang mang-aawit (hobbyist man o professional) na tumbukin lagi ang ‘do’ ng tamang ‘do’ at hindi ng isang pekeng ‘do’ (nag-explain talaga? Choz).  Eneho, buti na lang at natuklasan ko na ang aking recently-found soulsistah na si Irma Dimaranan ay isa ring tutukera ng AI nagkasundo kaming sa aming nocturnal long phone calls ay main topic ang mga performances sa nasabing syndicated singing competition. We are so excited na isang half-Pilipino ang mukhang nakamesmerize kina Jennifer, Randy at Steven (korek, on first name basis naming sila!).  Nagkaisa kami na ibang klase ang dating ni JESSICA SANCHEZ! It seems na ginagawang ‘paghinga’ lang nito ang pagkanta dahil mistula siyang ibon na nakagigiliw pakinggan.  May disiplina siya sa kanyang boses at kamadong-kamado na ang bawa’t saglit ng kanyang pagbirit.  Minsan, Sey ni Ms. Irma na may hawig si Jessica sa isang sikat na singer (am sure she was just making pakyut to make me hula) raw. Sey  ko, ‘Huh? Dawho?’ … si SARAH GERONIMO?  At first, parang hindi ako sumang-ayon sa kanyang obserbasyon dahil parang hindi naman.  But then, upon close scrutiny mapapansing magkahugis ang face nila! Pati kilay at optical areas.  Ewan ko lang sa teynga dahil malaki sa pangkaraniwan ang ears ni Sarah.  May sungki pa si Jessica, while Sarah’s dentures is almost perfect.  I guess its their charm that pegs them in.  Pareho nilang taglay ang yumi ng isangPilipina . Swak din ang pagkakaroon nila ng di matawarang ‘lungs’ na naghatid sa kanila sa fame and soon, sa glory! Sa glory? Choz.

CHARO SANTOS & DIMPLES ROMANA


Dimples

Charo
Mula sila sa magkaibang dekada ng pelikulang Pilipino.  Late 70s at early 90s.  Bagama’t paulit-ulit lang naman ang mga pagmumukha ng mga artista; kapansin-pansing ang ganda ng dalawang ito ay masasabing built-in na ang pagka-dramatic. Malamlam nguni’t matatalas ang mga mata; manangos-nangos ang ilong at mga labing kay rami nang naikuwento bago pa man ito bumuka.  Ganyan ang mga katangiang nag-uugnay kina DIMPLES ROMANA at CHARO SANTOS.  Ang una, bilang contract star ng STARMAGIC ay marami nang ginawang obra at nakitaan ng makabagbag-damdaming pagganap; ang huli naman ay kasalukuyang pangulo ng ABSCBN network nguni’t noong kanyang kasibulan ay nagtamo ng maraming acting awards bilang pagkilala sa angking galing sa pag-arte.  Kung pagmamasdan ang kanilang mga larawan, nakatutuwang hawig nga sila!

JC DE VERA & JAMES PINCA


 AFTER so many sleepless nights of a pondering thought about whether or not they really do strike a similar mold, I finally conceded for the main reason that why not thrive on a time-tested strategy of further pushing in a wider consciousness the arrival of a new indie actor by way of setting him beside an established star he resembles??? JAMES PINCA is soon to be seen in Vince Tan’s ‘PRIVATE NIGHTS’ and can easily pass as JC DE VERA’s double of sorts.  Although leaner and darker, James’ facial features is a version of JC’s boy-next-door appeal.  Their eyes are approximates and their lips are identical.  There may be other attributes that are totally unique to each of them; nevertheless both oozed enough androjuices to make any woman and other creatures swoon and melt!  sEPARATED@bIRTH??? JAMES PINCA & JC DE VERA!

WENDELL RAMOS & JONAS GRUET


Jonas/Wendell
Both are the sweetest guys you’ll ever encounter in the business. Pareho silang mabait at simpatiko.  No dull moment although biglang magseseryoso rin if the situation asks for it. They both have that naughty but homely smile on an almost exact profile ; sharing also those willowy kind of look that can be too disarming for comfort.  WENDELL RAMOS is a self-made hunk who recently ‘jumped’ networks and JONAS GRUET is an indie sensation who all will see in more films after TAKSIKAB, PRIVATE NIGHTS , and DARKEST NIGHTS.  Not related but definitely fits well in ALIWAN AVENUE’s SEPARATED@BIRTH :  JONAS GRUET & WENDELL RAMOS!  and BTW, HAPPIEST BIRTHDAY, JONAS! Cheers! More Power! Mwah!

ALFRED LABATOS & KEVIN VITUG


Alfred Labatos & Kevin Vitug
Both must be in their late teens or early twenties ; both are actors although ALFRED LABATOS started off as a child actor after joining EatBulaga’s  ‘That’s My Boy‘  and eventually becoming a regular face in ABS2‘s ‘Goin’ Bulilit‘ and a whole lot of shows and movies.  He is also an accomplished voice talent.  He is now a part of the cast of the teenybooper sitcom ‘LUV U’ also with ABS.  KEVIN VITUG on the other hand is best remembered for his daring performance as the balikbayan-junkie Troy in Archie del Mundo‘s “Taksikab”. He has also starred in several indies alongside tv guestings; he was also part of the Filipino cast of the international horror film ‘DARKEST NIGHT’ which was shot in its entirety here.  Their similarity is so striking that when I saw Kevin’s photo on the TAKSIKAB spread last year, I asked Direk Archie if he was ‘the’ child actor.  The answer was in the negative with an information that Kevin is actually the nephew of Senator Jinggoy Estrada‘s wife , Precy.  It must be their labial formation that sets their synonymous appeal.  Or, the way they shoot a gaze or even with some facial mannerisms.  Whatever it is, they still stand out as individual hotties who are out to conquer greater states in their chosen career!

CHUCKIE DREYFUSS & ALWYN UYTINGCO


Seguro naman You Know Who Is Who?
I guess by now ay alam na ng most of Aliwan Avenue followers na ang feature na ito dito ay isa sa mga pinagkakaabalahan ko to ease the worst stress in the world!  Inaamin ko na minsan ay mukhang t-h ang mga naii-S@B ko. Pero kalimitan naman ay swak, davah? As I always say, may mga baguhang artistang sumisikat hindi lamang dahil sa kanilang angking talento, karisma at ‘sponsor’ …karamihan din ay bigla na lamang na kinagigiliwan sa di matukoy kaagad na kadahilanan.  Ganyan marahil ang naganap sa imaheng inilunsad na may pangalang ALWYN UYTINGCO.  In fairness, magaling ang comedic at dramatic timing niya sa kanyang body of works dahil maganda ang training niya bilang child star sa ABS2.  Ang peg kasi ng hitsura nya ay isa ring dating child star na sumikat noong dekada 80 na si CHUCKIE DREYFUSS.  Yes, mukha silang pinagtiyap na bunga in some angles at pareho silang mukhang ang bango.  Facial features nila very assymetrically synonymous (ano raw???) at ang talas ng tingin nila ay kapwa nakakatunaw. Look na lang sa photos nila at masasabi mong ‘hohonga, agkamukha hila!’ Choz.

CARMINA VILLAROEL & SHEENA HALILI

I am haunted everynight by the fact that some people look so similar in such eerie ways.  Hindi ko maubos isip na kinakarir ko na ang pagmamatch ng mga mukha para lang mafeature dito sa S@B.  Minsan may umaalmamoreno kese wizzing namench daw peg ang mga fez; pero meron din namang sumasang-ayon at naaaliw.  So heto, dunno kung payag ang universe na kung itatattoo mo ang mukha ni Carmina Villaroel sa fez ni Sheena Halili, parang wala lang kasi super hawig sila. Yes, the eyes and lips are almost identical at pati na rin boses nila! Are they related? Of course hindi noh? But then, marami rin silang differences tulad ng sa height at disposition.  O, davah?

Miyerkules, Abril 3, 2013

NIDA BLANCA & RUFA MAE QUINTO


Nida Blanca & Rufa Mae Quinto
Ilang beses ko nang in-attempt na gawing feature ang sobrang pagkakahawig ng beteranang aktres na si NIDA BLANCA at ang sexy-comedienne na si RUFA MAE QUINTO.  Sa fwends na napaghingahan ko nito ay halos walang sumang-ayon save for few na very keen ang eyes.  Well, finally heto at nakahugot ako ng halos magka-match na larawan to elaborate on my long time observation.  Notice na magkahugis sila ng face at lips form; pati na rin bukas ng kanilang mga ngiti ay interestingly similar.  No wonder, kinagat agad ng madla ang isang Rufa Mae dahil unconsciously nakita nila ang batang bersyon ng isang Nida Blanca at the time na pumasok sa showbiz ang sexy star noong 90s.

LOLIT SOLIS & RUBI RUBI

Tilian ang mga vhaklush sa Patay-na-Riles nang pinasight ko sa kanila ang dalawang litrato sa itaas! Sey nila , after  at before  ang mga larawan… Pero teka, dalawang magkaibang tao yan!  Hindi iisang tao yan! Ang nasa taas ay si LOLIT SOLIS, ang kontrobersyal na movie reporter/showbiz tv host at ang nasa baba ay si RUBIRUBI, isang komedyanang sikat sa mga comedy bars at umaapir-apir na rin sa tv and pelikula.  May hawig sila… sa mouth formation at pag-ngiti; ewan lang kung parehas silang naka-pustiso pero magkahugis ang kanilang upper dentures.  Kayo , ano sa akala nyo?

ISABEL OLI & WENDY VALDEZ


Isabel Oli & Wendy Valdez
Dahil masyadong mahinhin ang imaheng pumupusyaw mula kay ISABEL OLI, bihirang mahanapan sila ng similaridad ni WENDY VALDEZ. But on close scruitiny, mapapansing iisa ang hugis ng kanilang mukha at facial features.  Nasa nuance nga lang nagkakatalo dahil , extremely kundi man totally opposite ang dating nila sa madla.  Kumbaga ay si Wendy ang ‘malandi at vampy’ version ng ‘sweet, prim & proper’ na si Isabel.  Pareho man silang hindi pa rin masasabing narating ang rurok ng tagumpay upang masabi nilang may sarili siyang defining moment ; mas ungos ang pangalang WENDY VALDEZ dahil sa kanyang kontrobersyal na lovelife at pagpapaseksi.  Hanggang ngayon kasi, nananatiling isang glorified extra o bit player si Isabel Oli sa network kung saan ay mas maraming oras ang nakalaan sa patalastas kesa sa tunay na palabas!

MAE 'Juana Change' PANER & SENATOR FRANKLIN DRILON

This is truly   bizarre.  Hindi mo lang sasabihing ‘separated @ birth’ kundi kambal-inodoro sina SENATOR FRANKLIN DRILON at MAE ‘Juana Change’ Paner.  Ang pinaka-obyus nilang pagkakahawig ay ang kawalan nila ng baba (of which Xixi Maturan has much of!) at lapad ng mukha.  Pati na rin porma ng kanilang makakapal at mukhang matitigas na labi ay panalo at parang pinagtiyap na batel (hindi ba puedeng bangka muna?).  Pati likas na sungit na nakaguhit na nuance ay eksaktong-eksakto rin.  At dahil nga isang political satirist si Paner bilang Juana Change, hindi na naging mahirap ang minsang i-spoofin nya si Franklin. Bizarre-ly of a twin peg, sEPARATED@bIRTH : FRANKLIN & MAE!

Lunes, Abril 1, 2013

MART ESCUDERO & MICAH MUÑOZ


Medyo may katagalan na nang huli tayong nag-S@B.  Pero syempre always in the look out ang inyong lingkod para maka-spot ng material para dito at nang mapanood ko lately ang isang SRR kung saan ay napagkamalan kong si MICAH MUÑOZ si MART ESCUDERO , napangiti ako dahil meron na akong entry para dito! Pareho silang upstart stars, si Mart , of course alam nating sa STARSTRUCK nakilala at na-link kay Jennica Garcia ; while si Micah naman ay isang young stage actor na nag-crossover sa mainstream at indie films at talent ng ABSCBN.  Physically, magkahawig sila pati na ang facial formations, although mas charming si Micah, strong naman ang features ni Mart.  Actually puede silang i-cast bilang kambal! Look nyong mabuti!

NANETTE INVENTOR & KORINA SANCHEZ

Kung titigang mabuti ang dalawang ito , mapapansing may matindi rin silang pagkakahawig na puede mong isiping magkamag-anak sila.  Puede ring makita ni Nanette ang sarili kung payat siya sa katauhan ni Korina at vice versa.  Napaka-similar ng mga features nila lalo na kung tumatawa o ngumingiti.  Pagmasdang mabuti at magkomento kung tama si Kulimlim sa kanyang malamlam na obserbasyon!

KORINA SANCHEZ & MAHAL

Almost three years ago, na S@B ko na rin si Korina Sanchez  with Nanette Inventor.  Nanette kasi looks like a bloated Korina lang. But, after a severe introspection among other vile malady-inflicted angling of a thousand and one photos, I was shocked to find that Korina pegs well with the facial amenities of Mahal! Shocking but true, as I presented their photos together, passengers of GreenBus 153 all agreed that indeed they were like peas on a decayed pod! Kung si Nanette ang namagang Korina, si Mahal ang umurong na Korina; although hindi sila nagkakalayo sa height , noh?  Sa ilong lang medyo nagkakatalo but in totality at kung uma-attitude si Mahal ala-TV Patrol, puedeng siyang maging anchor ng midget edition nito. Choz.

BOY LOGRO & DAGUL

Biglang nabigyan ng different dimension ni BOY LOGRO ang tv cooking scene dahil isa na siyang sensation ngayon at kabi-kabila ang projects, aside from his shows sa NewsTV 11 ay mayroon din siyang cooking variety preprog show ng EatBulaga! at sitcom with no less Marian Rivera sa GMA7. Si Dagul naman has been in the business for years filling in for ‘midget’ roles for laughs at matagal nang regular sa kiddie ABS2 show na ‘GoinBulilit’.  Napick-up ko ang diumano’y pagkakahawig na ito sa radio show nina Pete Ampoloquio kung saan ay ginawa pa nila itong pakontes na free fone load ang premyo.  Magkamukha nga ba sila? Sa bigote at bukas ng mukha , yes… pero sa height medyo lamang ng ilang inches si mamang cook. O, baka may magreak dyan, s@b is really just for fun! Choz!

CARLA ABELLANA & CAMILLE PRATS

Actually hindi ko masyadong maaninag ang pagkakahawig nila, but after a closer scrutiny medyo natumbok ko naman ng slight ang glaring similarities nila.  Both have a pixie face, meaning parang miniaturish ang dimensions ng kanilang features, although their lips dominate the peculiar charm that is present in both CARLA ABELLANA and CAMILLE PRATS.  Pareho din silang Kapuso stars but that does not count in their being similar.  Masidhi rin ang pagkakapareha ng kanilang nuance at mannerisms; malamang yaon ang culprit ng kanilang pagkakahawig. Very wholesome ang bukas ng kanilang magandang mukha at dahil nga medyo petite si Camille, parang stretched version niya si Carla.  SEPARATED @ BIRTH?