Lunes, Abril 1, 2013

JAKE EJERCITO & AJ PEREZ

pizap.com13578262897231Lungkot ang ibinalot sa mundo ng syobis nang biglang pumanaw si AJ PEREZ sa kasibulan ng kanyang career bilang isang matinee idol at magaling na aktor.  Walang mapagsidlan ng luha ang kanyang mga fans sa pagdadalamhati nguni’t sa kalaunan ay kanilang tinanggap ng maluwalhati ang itinadhana ng Diyos para sa kanilang idolo upang tuluyan na itong matiwasay na mamamayapa.  Nawala man ay hindi limot ang hugis at anyo ng kanyang maamong mukha kung kaya’t nang lumutang sa balita at masilayan ang binatang anak ni Erap kay Laarni Enriquez  na si JAKE EJERCITO, nakitaan ito ng masidhing pagkakahawig kay AJ. Bagama’t may kahabaan o oval ang mukha ni Jake, magkapitbahay lang ang hugis ng kanilang labi at bukas ng mata at mukha.  Bagama’t nalink kay Andi Eigenmann, hindi pa batid kung may balak na humarap ito sa kamera dahil kasalukuyan siyang pumapasok sa isang prestishiyosong kolehiyo sa London.  sEPARATED@bIRTH?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento