Miyerkules, Abril 3, 2013

ISABEL OLI & WENDY VALDEZ


Isabel Oli & Wendy Valdez
Dahil masyadong mahinhin ang imaheng pumupusyaw mula kay ISABEL OLI, bihirang mahanapan sila ng similaridad ni WENDY VALDEZ. But on close scruitiny, mapapansing iisa ang hugis ng kanilang mukha at facial features.  Nasa nuance nga lang nagkakatalo dahil , extremely kundi man totally opposite ang dating nila sa madla.  Kumbaga ay si Wendy ang ‘malandi at vampy’ version ng ‘sweet, prim & proper’ na si Isabel.  Pareho man silang hindi pa rin masasabing narating ang rurok ng tagumpay upang masabi nilang may sarili siyang defining moment ; mas ungos ang pangalang WENDY VALDEZ dahil sa kanyang kontrobersyal na lovelife at pagpapaseksi.  Hanggang ngayon kasi, nananatiling isang glorified extra o bit player si Isabel Oli sa network kung saan ay mas maraming oras ang nakalaan sa patalastas kesa sa tunay na palabas!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento