Linggo, Abril 7, 2013

GERALD ANDERSON & RICHARD GUTIERREZ

Akala ko may krimen na namang naganap sa aming dating matulaing Los Baños, Laguna nang nagtitiling bumaba sa kanyang three-wheel limousine si Chiririt Misomiso sa aking gate.  Nakakarindi ang haging ng kanyang matinis na  “Mudrix! Mudrix!” habang papasok sa bahay na akala mo ay may nakatarak na punyal sa kanyang pwet! Yaon pala may bago na naman siyang ichuchuchumanayichumaceda sa ALIWAN AVENUE! Isang bagay na di ko agad masakyan pero nang mangako siyang iroroot treatment niya ang herlalets ketch, napagpasyahan ko na pagbigyan na lang ang syukels. “Mudrix! Iseparated@Birth mo sina Richard Gucha-ayrez at Gerald Anderson!!!” Napa-wha? I repeat , napa-wha ako and I want to put it on record that I said ‘wha’, two times dahil di ko agad mawari kung nasaan ang conglomerating balance of similarity ng dalawang actor.  Sey ni Chiririt na hawig raw ang kapal ng kilay nila!  Kilay lang S@B na? Hindi lang raw yan ang composite silhouette nila ay halos eksaktong matching; pati na raw tubo ng balbas at porma ng kanilang mga mata!  Avaaah! At korek nga namang meron silang pagkakahawig! Pati lips nila ay parang kambalinajoey rin! Eh sey ko, bakit hindi agad napapansin ‘yan at face value at kailangan pang close scrutiny para masabi ngang magka-peg sila? Isa lang ang napagsunduan namin … malakas ang inner appeal ni GERALD, samantalang si Richard ay so-so lang at walang mabigat na aura para masabing total package siya. Panghuling salita ni Chiririt : “Kung Batungbakal ang apelyido ni Richard, malamang na hanggang sa halahan sa plaza lang ang mararating niya!” Choz!!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento