Biyernes, Abril 5, 2013

CHARO SANTOS & DIMPLES ROMANA


Dimples

Charo
Mula sila sa magkaibang dekada ng pelikulang Pilipino.  Late 70s at early 90s.  Bagama’t paulit-ulit lang naman ang mga pagmumukha ng mga artista; kapansin-pansing ang ganda ng dalawang ito ay masasabing built-in na ang pagka-dramatic. Malamlam nguni’t matatalas ang mga mata; manangos-nangos ang ilong at mga labing kay rami nang naikuwento bago pa man ito bumuka.  Ganyan ang mga katangiang nag-uugnay kina DIMPLES ROMANA at CHARO SANTOS.  Ang una, bilang contract star ng STARMAGIC ay marami nang ginawang obra at nakitaan ng makabagbag-damdaming pagganap; ang huli naman ay kasalukuyang pangulo ng ABSCBN network nguni’t noong kanyang kasibulan ay nagtamo ng maraming acting awards bilang pagkilala sa angking galing sa pag-arte.  Kung pagmamasdan ang kanilang mga larawan, nakatutuwang hawig nga sila!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento