Lunes, Abril 1, 2013

KIRAY CELIS & ZEENDEEROSE TENERIFE

Superexcited na naman si Chiririt Misomiso kagabi nang sinend niya sa akin ang kanyang diumano ay pinagmunimunihang eklavu.  Hindi raw siya makapaniwala na nagiging henya na siya sa pagtukoy sa mga celebs na ‘magkamukis’ as in ‘magkamukha’! So heto, sinuhulan ako na pagbigyan siya. Well, medyo. Medyo may hawig nga sina ZEENDEEROSE TENERIFE , ang YouTube sensation na nag-guest sa show ng tibyanggang si Ellen de Generes at childstar-now-mediocre-comedienne KIRAY CELIS.  Marahil sa bukas o nuance ng mukha nila ay may similarities ganun din sa biglaang bungisngisan ay havey naman talaga. Pati aura nila ay halos magkatugma.  Ang hindi ko lang personally ma-appreciate ay ang singing ni Zeendeerose, ang dami pang ‘baku-bako’ pero keri na rin daw.  Nakaaawa rin siya dahil may baggage ang kanyang pagpupursige, kailangan raw niyang iahon sa kahirapan ang kanyang mga kamag-anak! Di ba parang wala naman yata sa atin ang maghusga na kapag nagustuhan natin ang isang singer o artista ay dahil sa magaling talaga siya at hindi dahil sa kanyang sad back stories? Sana nagpursige na lang siya muna sa Tesda para naman mas konkreto ang kahihinatnan ng kinabukasan nilang mag-anak.  And as for Kiray Celis, gudlak na lang. Gudlak? Choz.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento